Linggo, Marso 18, 2012

ordinaryong araw


         Alam niyo ba yung feeling na malungkot kahit kaarawan mo? parang ordinaryong araw laman at parang mayroong kulang. Mayroong gustong makita, makasama at mayakap ng mahigpit kahit isang araw lamang. 

     

         Bawat kaarawan ko mayroong kulang kahit kasama ko mga kapamilya, kamag-anak at mga kaibigan ko. Bakit kaya? Sobrang malungkot dahil hindi ko man lang nakasama ang dalawa kung bestfriend sa aking kaarawan kahit man lang makasama ko sila masaya nako pero hindi natupad dahil marami silang gagawin. Gusto ko nang makita ang aking tatay. Ilang taon na ang lumipas na hindi ko siya nakasama. Lalo na kapag kaarawan ko. Lagi kong hinihiling sa Panginoon na sana may araw din na magkikita kami ng tatay ko. Nakikita ng ibang tao na masayahin akong tao pero ang totoo, nagiging masaya lang ako dahil sa kalungkutan ko.


         Nakakatuwa din ang mga kaibigan dahil hindi ka nagexpect na magkakaroon ka ng regalo galing sa kanila, pero mayroon silang nabigay sa iyo at napasaya ka nila ng kahit kaunti lamang. Masayang magdiwang ng iyong kaarawan kapag buo ang iyong pamilya dahil ang pamilya lamang ang magpapasaya ng husto sa bawat tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento