Marami ang nagsasabi na gumanda ang buhay ng tao ngayon kumpara sa buhay ng tao noon. Ito nga ay may katotohanan subalit kung susuriing mabuti ito ay may kasinungalingan.
Sa ating kapaligiran, ang tao ay nakapokus lang sa ma nagtataasang gusai, mga pabrika na nagbibigay nga libo- libong trabaho, mga istraktura na dulot ng industriyalisasyon na ang dulot ay kasiyahan sa mga tao. Subalit sa likod ng mga ito, tayo ay nagbubulagan sa mga masasamang dulot ng industriyalisasyon. Halimbawa nito ay walang pangundangan na paghabas sa mga punongkahoy para lang mapatayuan ng gusali. Yaong mga ilog na namamatay na dahil sa pagsulputan ng mga pabrika sa tabi ng mga ilog. Ang dating mga ilog na sagana sa isda at ginagawang languyan ng mga bata sa oras ng tag-init na ngayon ay napuno ng mga nakalutang na talamak na basura.
Sa akin pong palagay, mas masama ang epekto ng pag-unlad na dulot ng industriyalisasyon sa tao. Isa sa mga halimbawa nito ay ang matinding baha na dulot ng bagyon ndoy at sendong. Io ay isang paalala sa mga tao na tigilan nanatin ang pang- aabuso sa ating kalikasan para lang sa industriyalisasyon. Tayo ngayon ay nahaharap sa isang mabigat na pagsubok at ito ay ang global warming. Patuloy ang pag-init at pagiging abnormal ng klima ng ating mundo. Hindi masama na umunlad at maging maginhawa ang ating pamumuhay pero huwag naman nating isaalang- alang ang ating nag-iisang mundo. Oras na para tayo ay magising at kumilos para sa mundo natin. Kilos na, ngayon na!!
napakaganda ng iyong patungkol sa industriyalisasyon at nakatutulong ito sa akin
TumugonBurahinAnong magandang dulot ng industriyalismo?
TumugonBurahinMay tanong ako ano ba ang limitasyon ng industriyalisasyon?
TumugonBurahin