Linggo, Marso 18, 2012

ordinaryong araw


         Alam niyo ba yung feeling na malungkot kahit kaarawan mo? parang ordinaryong araw laman at parang mayroong kulang. Mayroong gustong makita, makasama at mayakap ng mahigpit kahit isang araw lamang. 

     

         Bawat kaarawan ko mayroong kulang kahit kasama ko mga kapamilya, kamag-anak at mga kaibigan ko. Bakit kaya? Sobrang malungkot dahil hindi ko man lang nakasama ang dalawa kung bestfriend sa aking kaarawan kahit man lang makasama ko sila masaya nako pero hindi natupad dahil marami silang gagawin. Gusto ko nang makita ang aking tatay. Ilang taon na ang lumipas na hindi ko siya nakasama. Lalo na kapag kaarawan ko. Lagi kong hinihiling sa Panginoon na sana may araw din na magkikita kami ng tatay ko. Nakikita ng ibang tao na masayahin akong tao pero ang totoo, nagiging masaya lang ako dahil sa kalungkutan ko.


         Nakakatuwa din ang mga kaibigan dahil hindi ka nagexpect na magkakaroon ka ng regalo galing sa kanila, pero mayroon silang nabigay sa iyo at napasaya ka nila ng kahit kaunti lamang. Masayang magdiwang ng iyong kaarawan kapag buo ang iyong pamilya dahil ang pamilya lamang ang magpapasaya ng husto sa bawat tao.

Martes, Marso 13, 2012

Ang Industriyalisasyon ba ay nanakabubuti o nakakasama sa tao at bansa??


      Marami ang nagsasabi na gumanda ang buhay ng tao ngayon kumpara sa buhay ng tao noon. Ito nga ay may katotohanan subalit kung susuriing mabuti ito ay may kasinungalingan. 




      Sa ating kapaligiran, ang tao ay nakapokus lang sa ma nagtataasang gusai, mga pabrika na nagbibigay nga libo- libong trabaho, mga istraktura na dulot ng industriyalisasyon na ang dulot ay kasiyahan sa mga tao. Subalit sa likod ng mga ito, tayo ay nagbubulagan sa mga masasamang dulot ng industriyalisasyon. Halimbawa nito ay walang pangundangan na paghabas sa mga punongkahoy para lang mapatayuan ng gusali. Yaong mga ilog na namamatay na dahil sa pagsulputan ng mga pabrika sa tabi ng mga ilog. Ang dating mga ilog na sagana sa isda at ginagawang languyan ng mga bata sa oras ng tag-init na ngayon ay napuno ng mga nakalutang na talamak na basura.




       Sa akin pong palagay, mas masama ang epekto ng pag-unlad na dulot ng industriyalisasyon sa tao. Isa sa mga halimbawa nito ay ang matinding baha na dulot ng bagyon ndoy at sendong. Io ay isang paalala sa mga tao na tigilan nanatin ang pang- aabuso sa ating kalikasan para lang sa industriyalisasyon. Tayo ngayon ay nahaharap sa isang mabigat na pagsubok at ito ay ang global warming. Patuloy ang pag-init at pagiging abnormal ng klima ng ating mundo. Hindi masama na umunlad at maging maginhawa ang ating pamumuhay pero huwag naman nating isaalang- alang ang ating nag-iisang mundo. Oras na para tayo ay magising at kumilos para sa mundo natin. Kilos na, ngayon na!! 


      

Lunes, Marso 12, 2012

" END "

         Boyfriend, girlfriend, bestfriend or friend at family. Sa apat na iyang salita tatlo ang mayroong salitang end, hindi ba? ang boyfriend, girlfriend at ang bestfriend. Ang boyfriend at girlfriend ay pwedeng mawala kahit anong oras o araw man dahil nagkakasawaan na sa ugali at away na lang lagi ang nangyayari araw- araw. kapag bestfriend o friend naman mayroong oras ding pwedeng mawala iyan. Kapag pinagtaksilan ka o mayroong ginawang masama sa iyo, syempre mawawal na ang tiwala mo sa kanya. Lalo na kapag mayroon siyang sinabing sikreto sa iyo at dapat pwedeng masabi sa iba. kapag nilabag mo iyong sinabi niya at mayroon kang pinagsabihan ng sikretong ion hindi ka na pakakatiwalaan pa ng taong iyon.


          Pero ang family ay hindi nagtatapos sa end kundi   "I L Y" ibig sabihin I LOVE YOU. hindi ka iiwan sa ere o sa lahat ng bagay o problema na tatahakin mo araw- araw. Hindi man kailanman magsasawa sa iyong ugali o kahit ano man dahil sobrang maintindihin ang pamilya. Nandiyan palagi kapag bigo o mayroon kang problema sa lalake man o babae. hindi ka pagtataksilan at higit sa lahat hinding magsasawang mahalin ka at parating gumagabay para mapabuti ang iyong kinabukasan.